Ang bautismo ni Jesus

Nang magkagayo'y dumating si Jesus mula sa Galilea patungong Jordan, kay Juan, upang bautismuhan niya. Nguni't pinagbawalan siya ni Juan, na sinasabi: Ako ang may kailangang bautismuhan mo, at ikaw baga'y pumaparito sa akin? At sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Pahintulutan mo ngayon na maging gayon; sapagka't gayon ang nararapat sa atin upang ganapin ang buong katuwiran. Nang magkagayo'y pinahintulutan niya siya. At si Jesus, nang mabautismuhan, ay umahon agad mula sa tubig.

At narito, nangabukas sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at dumapo sa kaniya; at narito, isang tinig mula sa mga langit, na nagsasabi: Ito ang minamahal kong Anak, na siya kong kinalulugdan.
Isang larawang iginuhit para sa pagbasang ito. Sumusunod ito sa talata. Hindi ito litrato.
Mateo 3:17
Tandaan. Ito ang minamahal kong Anak, na siya kong kinalulugdan.
