Jose at ang kanyang mga kapatid

Hindi mapigilan ni Jose ang kaniyang sarili. Siya'y sumigaw: Palabasin ninyo sa harap ko ang bawa't lalake. At walang taong tumayong kasama niya, samantalang ipinakikilala ni Jose ang kaniyang sarili sa kaniyang mga kapatid. At siya'y tumangis nang malakas. At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid: Magsilapit kayo sa akin, isinasamo ko sa inyo. At sila'y nagsilapit. At sinabi niya: Ako si Jose na inyong kapatid, na inyong ipinagbili sa Egipto. Ngayon nga'y huwag kayong magdalamhati, ni magalit man sa inyong sarili, sapagka't ipinagbili ninyo ako rito; sapagka't sinugo ako ng Dios nang una sa inyo upang ingatan ang buhay.

Magmadali kayo, at magsiahon kayo sa aking ama, at sabihin ninyo sa kaniya: Ganito ang sabi ng iyong anak na si Jose: Ginawa ako ng Dios na panginoon sa boong Egipto; bumaba ka sa akin, huwag kang magluwat. At siya'y nagpatirapa sa leeg ng kaniyang kapatid na si Benjamin, at tumangis; at si Benjamin ay tumangis sa kaniyang leeg. Bukod dito'y hinagkan niya ang lahat niyang mga kapatid, at tumangis sa kanila; at pagkatapos niyaon ay nakipagsalitaan sa kaniya ang kaniyang mga kapatid.
Isang larawang iginuhit para sa pagbasang ito. Sumusunod ito sa talata. Hindi ito litrato.
Genesis 45:4
Tandaan. Ako si Jose na inyong kapatid, na inyong ipinagbili sa Egipto.
