Pinagpala ni Jesus ang mga bata

Nagdala sila sa kanya ng maliliit na bata upang hipuin niya ang mga ito. Ngunit sinaway ng mga alagad ang mga nagdala. Nang makita ito ni Jesus, nagalit siya at sinabi sa kanila: Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pigilan, sapagkat sa mga gaya nila ang kaharian ng Dios. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang sinumang hindi tumanggap ng kaharian ng Dios na gaya ng isang maliit na bata ay hindi papasok doon.

At kinalong niya sila, ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila, at pinagpala sila.
Isang larawang iginuhit para sa pagbasang ito. Sumusunod ito sa talata. Hindi ito litrato.
Marcos 10:14
Tandaan. Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pigilan.
