Ang talinghaga ng nawawalang barya

Sinabi ni Jesus ang talinghagang ito. O alin sa babaing may sampung pirasong pilak, kung mawala ang isang piraso, ay hindi magsisindi ng ilawan, at wawalisin ang bahay, at masusing hahanapin hanggang sa masumpungan niya ito?

At pagkasumpong niya, ay tinatawag niyang magkakasama ang kaniyang mga kaibigan at ang kaniyang mga kapitbahay, na sinasabi: Mangagalak kayo na kasama ko; sapagka't nasumpungan ko ang pirasong nawala sa akin. Gayon din naman, sinasabi ko sa inyo, may kagalakan sa harapan ng mga anghel ng Dios dahil sa isang makasalanang nagsisisi.
Isang larawang iginuhit para sa pagbasang ito. Sumusunod ito sa talata. Hindi ito litrato.
Lucas 15:9
Tandaan. Mangagalak kayo na kasama ko; sapagka't nasumpungan ko ang pirasong nawala sa akin.
