Ang abuloy ng biyuda

At si Jesus ay naupo sa tapat ng kabang yaman, at minasdan kung paanong ang mga tao ay nangaghagis ng salapi sa kabang yaman; at marami sa mayayaman ay nangaghagis ng marami. At dumating ang isang dukhang babaing bao, at naghagis siya ng dalawang leptos, na isang kodrantes.

At kaniyang tinawag sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi sa kanila: Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na itong dukhang babaing bao ay naghulog ng higit kaysa sa lahat nilang nangaghulog sa kabang yaman; sapagka't silang lahat ay nangaghulog mula sa kanilang kasaganaan; nguni't siya, buhat sa kaniyang kasalatan, ay naghulog ng buong nasa kaniya, samakatuwid baga'y ang buong ikabubuhay niya.
Isang larawang iginuhit para sa pagbasang ito. Sumusunod ito sa talata. Hindi ito litrato.
Marcos 12:42
Tandaan. Siya, buhat sa kaniyang kasalatan, ay naghulog ng buong nasa kaniya, samakatuwid baga'y ang buong ikabubuhay niya.
