Ang muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo

Nang unang araw ng linggo, napakaaga, sila ay dumating sa libingan, dala ang mga pabango na kanilang inihanda. Nasumpungan nilang naalis na ang bato mula sa libingan. Pumasok sila at hindi natagpuan ang katawan ng Panginoong Jesus. Samantalang sila ay nalilito tungkol dito, dalawang lalaki ang tumayo sa tabi nila na may nakakasilaw na kasuotan. Natakot ang mga babae at iniyuko ang kanilang mga mukha sa lupa. Sinabi ng mga lalaki: Bakit ninyo hinahanap ang buhay sa gitna ng mga patay? Wala siya rito, kundi nabuhay na siyang muli. Alalahanin ninyo kung paano niya kayo kinausap noong siya ay nasa Galilea pa, na sinasabi na ang Anak ng tao ay dapat ibigay sa mga kamay ng mga makasalanang tao, at ipako sa krus, at sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.

Naalala nila ang kanyang mga salita. Bumalik sila mula sa libingan at isinalaysay ang lahat ng ito sa labing-isa at sa lahat ng iba pa. Sina Maria Magdalena, Juana, Maria na ina ni Santiago, at ang ibang mga babaing kasama nila ang nagsabi ng mga bagay na ito sa mga apostol. Ang kanilang mga salita ay tila walang kabuluhang kuwento sa mga apostol, at hindi sila naniwala.
Isang larawang iginuhit para sa pagbasang ito. Sumusunod ito sa talata. Hindi ito litrato.
Lucas 24:6
Tandaan. Wala siya rito, kundi nabuhay na siyang muli.
